MALAKAS NA PINERENO ni Blue ang kaniyang kotse sa gilid ng daan. Doon nakuha niyang dunukho sa manibela, mabigat na mabigat ang dibdib niya habang hilam na rin sa luha ang kaniyang mga mata niya. Paano niya tatanggapin ang lahat?! "Alexa, hindi ko kakayanin!" usal niya habang nagawang ipalo ang palad sa harapan ng manibela. Para siyang parilisado dahil pati ang katawan niya ay damay sa sakit ng dibdib. Ayaw gumana ng palad niya para makaalis siya sa lugar na iyon, ang isipan niya ay wala sa daan kundi nasa dalagang balot ng galit sa kaniya. Ngayon lamang niya nakitang nagalit ng ganoon si Alexa. Halos hindi niya makilala ito. Masayahin ang dalaga pero ibang Alexa ang nakita niya rito. May karapatan itong magalit dahil sa nakita nito pero hindi 'man lang nito hinayaan na magpaliwanag s

