"ALEXA..." dinig na tawag ng kaniyang ama na may halong pagkatok sa pintuan. Biglang napatingin si Alexa sa boses ng kaniyang ama sa may pintuan. Mag a alas otso na rin ng umaga. "Anak lumabas ka na diyan at kakain na tayo." dagdag na sabi pa nang kaniyang ama. "Oho, lalabas na po." tugon niya saka tumayo at mabilis na pinahidan ng kaniyang ang matang may palaglag na luha. Nakahain na ang pagkain sa lamesa at nakaupo na ang mga magulang at ang bunso niyang kapatid sa upuan itsurang siya na talaga ang hinihintay kaya nagdiretsyo na siyang naupo sa kaniyang puwesto. Akmang aabot na siya ng ulam na paborito niya biglang may napansin siyang isang extra'ng plato sa tabi ni bunsoy na hindi naman ginagawa na mag lagay doon. Mabilis siyang napatanong na wala sa loob kung may bisita ba. "Na

