KABANATA 87.

1334 Words

"LUMAYAS KA DITO! HUWAG mo'ng paikutin ang ulo ng mga magulang ko!" nanggalaiti bigkas ni Alexa at pilit na kinukuha ang sariling baraso sa pagkakahawak no Blue. Matinding galit ang namumutawi sa puso niya, ngunit nakakubli doon ang pangungulila dahil kahit burahin niya ang pagmamahal para rito, pero sa ngayon malabo pa niyang magawa iyon. Malabong manalo siya sa kaniyang puso. Pinakatitigan siya ng binata, walang namutawing sagot sa labi nito. Ang mga mata nitong may pagsusumamo lamang. "Bitawan mo 'ko!" muling bigkas niya at muling sinubukan ang paghila sa hawak nito ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakapit nito na siya naman lalong ikinainit ng ulo niya. "Halika na at kumain na tayo." kalmadong tugon nito, "Pinagluto kita ng mga paborito mo." sabi nito na tila ba walang narinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD