KAAALIS LAMANG NG deliver 'man ng isarado ni Blue ang pintuan. Nagpa deliver siya ng mga pagkain at bulaklak. Muli, pupunta siya sa bahay nila Alexa. Hindi siya magsasawang manuyo. Hindi siya mananawang pumunta doon kahit ba kapalit ang mga galit ni Alexa. Ilang araw na lamang ikakasal na sila nito. Biglang nanakit ang dibdib niya nang sumagi sa isipan ang kasal. Pabagsak siyang naupo sa sopa. Wala siyang kasiguraduhan kung matutuloy pa ba iyon. Lumipas ang mga oras. Kagigising lamang niya dahil sa ininom na alak. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa upuan. Nanakit ulong napasalo ang palad niya sa kaniyang ulo ng tumayo siya. Naubos niya ang dalawang hard wine na pinadeliver niya kanina. Pero walang pagbabago naandon pa rin, nakadikit sa pa rin sa dibdib ang sakit. Ang malak

