INABUTAN NI LHIRA SI ALEXA'NG nakaupo sa may labas ng bahay. Kahit kadiliam ang paligid nakatulala itong nakatingin sa kalangitan. Kaya hindi nito namalayan ang pagdating niya. "Pst!" paswit ni Lhira kay Alexa. Mabilis siyang napatingin sa baklang hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya. "Magkwento ka. Bilis!" taas kilay nitong sabi habang nagawa na niyang tumingin sa mga mata nito, "Anong problema at hindi na matutuloy ang kasal, aber?" Nanginig muna ang labi niya bago bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Humakot na pala iyon ng tubig habang nakatitig sa kaibigang naghihintay ng kasagutan sa mga tanong nito. Lambot na lambot siya ng makuha niyang suminghot. At dahil nasa tabi niya ito, sumandig siya sa balikat nito. "Bilis! Anong problema sa bride? Ilang araw na lang ang ka

