"NASAAN KA? ANONG NANGYARE? Iyan na nga ba sinasabi ko saiyo Asul! Malaking problema ang babaeng iyan! Nuong pinatuloy mo ang babaeng na 'yan sa bahay mo, talagang hindi ako kumbinsido!" May paninising bigkas ni Greg nang sagutin niya ang tawag nito. Naaalala niya, wala siyang nabanggit dito tungkol doon dahil alam niyang sesermunan lamang siya ng kaibigan. "Nasaan ka? Nakauwe ka na ba? On the way ako papunta sa bahay mo." wika ulit nito. Kararating lamang niya ng kaniyang bahay, pinarada muna niya ang kaniyang sasakyan sa harapan ng gate ng bahay niya. Nakaupo siya sa unahan ng kotse hawak ang binili niyang alak. "Who told you that?" malamig na tanong niya saka tumungga sa hawak na can. "Siguro sa pagkarating ko na lang tayu mag usap." sa boses ni Greg may pagkainis saka namatay a

