KABANATA 91.

2112 Words

MABUTI NA LANG bago dumating si Blue nagawa na nila Lheron at Alexa'ng makaalis ng bahay. Nakita pa nilang nakasuot ito ng puting tela na pangkasal habang nagmamadaling naglalakad papunta sa bahay nila. At nang makita nilang nakapasok na ito ng bahay, inutusan naman niyang paandarin na ni Lheron ang kotseng nakaparada sa hindi kaluyuan. "Sure ka na ba Alexa?" basag nito sa pananahimik niya. Tumango siya na walang sagot mula sa kaniyang bibig. Pilit din niyang huwag maluha dahil sa awa para kay Blue. Natitiyak niyang naghintay ito ng matagal sa simbahan dahil nang puntahan siya ni Lhira iyon ang sinabi nito. Dala ang mga papel niya papunta sa abroad, visa na lamang ang hinihintay. Naigayak na niya iyon bago dumating si Lheron kaya minadali niya dahil baka abutan siya ni Blue. NANLULUMO

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD