DAHAN NA LUMAPAT ANG LIKURAN NI Alexa sa malambot na kama. Kahit na nahihilo alam na alam niya ang nangyayare at mga salitang binibitawan ni Blue sa kaniya. Pero bakit siya nito sinundan? Para saan? Maawa? Kailangan na niyang umuwi dahil ayaw niyang abutan siya ng umaga sa kuwarto nito dahil maraming magtataka kung bakit niya ito kasama. At kahit nakainom siya hindi niya malilimutan na kasama nito ang nobyang bata. Mabilis na nanikip ulit ang dibdib niya at nag-init ang buo niyang katawan dahil sa naisip. Binablot ulit siya ng matinding selos. "U-u-uwe n-na a-ako." pilit na sabi niya at pilit na gumalaw. Lalo lang siya nakaramdam ng matinding hilo kasabay ang pag-ikot ng kaniyang paligid ng subukan niyang ibuka ang daoawa mata. Mabilis din niyang isinarado iyon. Para ba'ng mas gugus

