"BANYO LANG MUNA AKO." nakakapit sa sintidong paalam ni Alexa sa tatlo. At dahil sa sunod-sunod na pag-inom niya ng wine, umikot ang paningin niya habang humahakbang. Nararamdaman din niyang may halong gustong bumaligtad ang sikmura. "Are you okay Alexa?" biglang tanong ni Greg ng mapansin nanliliit ang kaniyang mga mata. Pilit ngiting binalingan niya ito ng tingin ng magtanong ito sa kaniya. "Oo naman! Okay na okay ako Greg." saka tumalikod ng msagot niya ang tanong nito. Kahit hindi niya balingan ng tingin si Blue, nahuhulaan niyang hindi mapuknat ang pagtitig nito sa kaniya habang papalayo siya. Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng banyo. Eksakto nag-iisa siya doon kaya mabilis siyang umupo sa bowl para magbawas ng laman ng pantog. Medyo nahimasmasan siya ng mailabas ang namimi

