HABANG NAGLALAKAD si Alexa, lalo niyang napapansin nagdadagsaan ang mga taong nagdadating na imbes na mabawasan. Hindi na rin niya masilip kung nasaan ba sila Lhira at ang dalawang binata na kanina lang ay nasisilip niya sa hindi kalayuan. Tahimik siyang naglalakad, nasa isipan pa rin ang babaeng nakitang nakakandong kay Blue. Tila ba kahit iwaglit niya iyon sa utak tila ba nakadikit na iyon. Hanggang sa hindi sinasadyang madunggol niya ang waitress na may dalang wine at kopita. "Sorry!" mabilis niyang paumanhin sa lalaking gumegewang ang hawak para hindi tuluyang mahulog ang tray at babasagin kopita at wine. Sa wakas at nakatayo na ito ng mabuti at walang sabing tumalikod ito. "Wait!" pigil niya sa nakakadalawang hakbang na waiter, "Puwedeng ba'ng makihingi ng isa pogi?" "Puwede

