MALAYO AT NAGLALAKAD PAPASOK PA LAMANG sina Alexa at Lhira, kilalang-kilala na ni Blue ang dalawa. Umayos ng pagkakatayo si Blue sa may gilid ng pintuan. Nasa terace siya ng pinagtutulungan niyang kuwarto. Malapit iyon sa labas at malabong may makapansin sa kaniya dahil madilim ang pinagpupwestuhan niya. Hindi nakatiis at pinutol niya ang layo sa stainless na nagbabakod. Itinukod niya ang dalawang magkabilang palad doon at saka pinakatitigan ang dalawang nagkukwentuhan habang naglalakad dahil bumubuka ang labi ng dalawa. Lalong nanuot ang pagmamahal niya sa dalaga na ngayon ay dapat niyang itago rito. Sandali lang nakahinto na ang dalawa, segundo lang nawala na sa paningin niya si Lhira at ang naiwan sa puwesto ang nakaupong si Alexa. Kanina pa may nanghihilang salubungin niya ito ngun

