PINASADAHAN NI ALEXA ang up and down na bahay sa kanilang harapan. Kababa lamang nila ng tricycle. Hindi maitatangging mayaman ang nobyo nito. Kapansin-pansin din ang mga halaman na siyang naging tabing sa gawang tobular na gate. Kahit wala pa sila sa loob dinig na dinig nila ang kasiyahan na nanggagaling doon at nagkalat na ilaw. "Ano say mo bakla?" may pagmamalaking tanong ni Lhira sa kaniya. Komendeng pa ito ng pindutin nito ang doorbell. "Bakla, ang laki ng bahay ng boyfrend mo." namamanghang tugon niya. Ilang segundo ang nakalipas, may babaeng lumabas at pinagbuksan sila. Nginitian sila ng babae na hindi 'man lang sila binati. Napatingin na lamang siya kay Lhira na may halong pagtatanong. Nagkibit balikat naman ito sa kaniya. Walang ulas na salita na pumasok sila sa malaking bak

