MAG A ALAS ONSE na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Alexa. Mula kanina, biling baligtad siya o kaya nakaupo sa upuan habang nakadungaw sa bintana at minsan naman ay tatayo at hihiga sa kaniyang kama yakap ang mahabang pillow. Minuto lang at tatayo ulit at babasahin ang dalawang letter na ibinigay ni Blue. Segundo ulit ay bibitawan niya na tila ba may sakit na nakakahawang kung ibagsak niya sa dividerang sulat. Hirap na bumuntong hininga siya. Gulong-gulo ang isipan niya. Mamaya't nakita na lamang niya ang sariling binubuksan ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Namataan niyang naandoon ang kaniyang ina na na nakaupo, agaran naman siyang nakita. "Gabi na anak kung bakit hindi ka pa natutulog? Hindi ka ba napagod sa byahe?" anito habang naglalakad siyang palapit rito. Mas minabuti niy

