"LHIRA VALDEZ! May bisita ka sa labas!" Hiyaw na dinig ni Lhira sa isa nitong kasama sa parlor, matapos buksan nang walang palaam ang pintuan ng parlor kung nasaan siya. Mabilis naman napalingon si Lhira sa may-ari ng boses. "Gabi na pero may mga bisita ka pa rin? Iba talaga ang masarap at magaling sa kama kahit gabi hinahalughog kung nasaan." dagdag pa nito sa maarte at may pagkainggit na pananalita. Nagtaas kilay si Lhira sa narinig. Bukod sa sarado na ang parlor niya wala din siyang alam na may darating pa siyang bisita ngayon gabi. Nagsabi naman siya sa mga costumers na maaga siyang magsarado ngayong araw dahil sis peras ng fiesta. "Kaloka naman! Sino ba ang mga iyan bakla?!" tugon niya sa kaibigan beki din. "Nasa labas at hinihintay ka nila bakla! Masyado ka'ng masekreto bakla."

