TAPOS NG MALIGO SI Alexa. Tapos na niyang ligpitin ang mga gamit na nasa travelling bag niya. Isa-isa na niyang nailagay iyon sa cabinet ngunit hindi niya alam kung maayos ba iyon dahil naguguluhan ang isip niya. Ang gumugulo roon ay tatlo lamang. Ang sulat, kanta at ang katotohanan na nalaman niya kay Carey. Pabagsak niyang iniupo ang puwitan sa kaniyang kama. Malakas niyang itinapon ang unan na nasa paanan na kinauupuan niya nang maabot niya iyon. Hindi niya alam kung sisisihin ba niya ang sarili sa lahat nangyare sa kanila ni Blue. Ilang magkasunod na katok ang nagpalingon sa kaniya matapos magsalita ang nasa labas. "Alexa... Kakain na anak. Lumabas ka na at para malamnan na nag tiyan mo." usal ng kaniyang ina. "Opo 'nay, lalabas na po ako." mabilis na tugon naman niya. Kahit n

