"LHIRA?" GULAT na tanong ni Blue nang humarap ang bakla sa kaniya at lukot ang mukha dahil sa natabig niya ang katawan nito dahil sumusunod siya kay Greg. "B-lue? Ku-kumusta ka? Mabuti naandito ka?" hindi maiderestsyonh tanong nito at may kiming ngiti ang bumalatay sa labi ng bakla at maya't lumunok ng laway. "Pabinyag ng ate ni Greg bukas. Mag a anak ako binyag." nagbaba siya ng paningin sa hawak nitong bag na hindi naman kalakihan at sa kabilang kamay ay bitbit ang pinamili nito. "Saan ka galing at bakit may dala ka'ng bag?" saka nanliit ang mga mata niya. Bigla siyang kinutuban na hindi niya maipaliwanag. "Ah, e, galing ako sa mga kamag anak ko! Nagbakasyon ako ng ilang araw doon at naisipan ko nang umuwi ngayon araw. Dumiretsyo na rin ako dito sa palengke para bumili ng ulam."

