NAGPRISINTA SI GREG na kotse na lamang nito ang dadalahin nila papunta ng probinsya nito. Pumayag naman si Blue dahil hanggang ngayon umiikot pa rin ang paningin at tila ba nakadikit pa rin sa labi niya ang lasa ng alak na pinainom sa kaniya ni Greg kinagabihan. Nakapikit at nakasandal siya sa harapan ng mgasalita ito. "May balak ka ba'ng bumisita sa bahay nila ex?" basag nito sa pananahimik niya. Wala siyang naging sagot, ngunit ang kaisipan ay nagising. Naisip na niya iyon bago sila umalis nito, naunahan nan soya nitong banggitin iyon. Mahigit isang taon din siyang hindi naka pasyal sa lugar na iyon. Buwan din siyang naglagi doon na tila ba isang baliw sa kakahintay sa dalaga. "Ano balak mo? Siguro magpunta muna tayo ng palengke. Nagbilin si ate ko na ibili ko daw siya ng bangus at

