"DAHIL naandito na tayong lahat at bago ang lahat nakikiramay ako sa inyong mag-ama, kompadre at Blue." usal nang kaniyang ama saka tumango kay Blue at sa ama nito. Ganting ngumiti naman ang ama ni Blue at halatang nagdadalamhati pa rin sa pagpakamatay ng asawa nito. Pinigilan niya ang binata na ipagsawalang bahala muna ang pamamanhikan. Hayaan munang maging okay ang ama nito ngunit hindi rin pumayag ang ama ni Blue kaya wala na rin siyang nagawa. Pumayag na lang siya sa ipinilit ng matanda. Mag a alas sais nang dumating ang ama ni Blue at si Greg. Hindi din nagpatihuli si Lhira na halos kasabayan lang din ang pagdating ng mga bisita. Magkakaharap silang lahat sa sala at nasa gitna naman ang mga pagkaing dala ng mga ito kaya kailangan nilang ilabas ang lamesa at ilagay sa gitna ng sa

