"BAKLA! DITO BA MATUTULOG sina Greg at Blue saka ang tatay niya?" harang sa kaniya ni Lhira nang makapasok siya sa loob ng bahay. Ang mukha ay tila ba nagniningning nang pakatitigan niya iyon. Si Blue naman nagpatuloy sa naglakad at nag direstyo ng banyo dahil nagpaalam na iihi muna ito. "Hindi ko alam Lhira," walang kasiguraduhang sagot niya. "Bakit pala tinatanong mo?" "Hindi sila kakasya sa loob ng kuwarto mo bakla!" malantik na hinampas pa nito ang balikat niya. "Lhira Valdez! Hintuan mo ang kalandian mo! Nababasa ko ang nasa utak mo!" saka pinamulagtaan niya ito ng mata matapos sabihin iyon. "Hays! Parang iba ka naman Alexa! Gusto mo ikaw lang ang iinitin sa gabi." "Lhira! Ano pinagsasabi mo?!" pabulyaw na sabi niya mabuti na lang nag-uusap ang mga magulang niya at ang tatay ni

