MAGDIDILIM PA NANG madaling araw nang umalis sila Blue at ang tatay ni Alexa. Umiikot pa ang mata at mabibigat na hakbang ang ginagawa ni Blue. Ramdam pa rin niya sa katawan ang matinding pagod dahil kahapon lang ay marami siyang ginawa. At ngayon naman ay magpipilapil siya kasama ng tatay ng dalaga. Nang marating nila ang bukid halos mag a ala sais na ng umaga. Malamig ang tubig ng pinitakan kaya daan para magising ang inaantok niyang kaluluwa. Habang katabi niya ang ama ni Alexa nagtanong siya kung paano ang gagawin. "Tay, ganito po ba'ng magpilapil?" "Oo anak, ilagay mo 'yung putik sa gagawing daan at taasan mo." nakatinging turong sabi nito sa kaniya. Ginawa naman niya. "Ganito po ba?" "Oo, 'yung putik medyo lagyan mo ng tubig anak." muling turo nito sa kaniya ang mga mata'y '

