"BLUE, TUMAWAG ba saiyo si Carey?" bungad ni Greg sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito. Nagmamaneho siya ng sasakyan papunta ng opisina niya. Ilang araw na siyang nakauwe at hindi nakikita si Alexa. Sobrang inip na inip na siya rito. Ayaw 'man niyang gawin na iwan ito pero kailangan siya ngayon sa kompanya dahil may gaganaping meeting sa ibang bansa at hindi siya puwedeng hindi a attend doon. CEO siya ng Alarcon Agricultural Company na nagdadala ng mga produkto sa iba't ibang lugar. Hindi siya puwedeng mawala sa malaking pagtitipon na iyon dahil malaking kawalan iyon sa kanilang pamilya. Bukod doon nalalapit na ang kasal nila at nakiusap na ang magulang nitong bago ang kasal na sila magkikita na ginalang naman niya. Nagsigsag ang kilay niya sa narinig pero kumibo din. "No and i

