"SOBRANG MISS na kita Blue." malungkot na boses ni Alexa sa kabilang linya. Mahigit isang linggo na niyang hindi ito nakikita. Busy ito sa mga negosyo nito at ang iba naman ay inaayus na rin nito para pa umalis sila ng bansa sa kanilang honeymoon, wala na masyadong aasikasuhin si Greg sa opisina. Malapit na rin maayos ang passport niya. Minamadali iyon para sa oag alis nila. Excited na siya pumuntang Korea para doon ganapin ang pulot gata nilang dalawa. "Mas lalo ako mahal ko," hirap na bigkas nito sa kabilang linya. Nasa boses nito ang pagkamiss din sa kaniya, "Mahigit isang linggo na lang mahal, magkikita na tayo at hindi na maghihiwalay pa. Susulitin natin ang mga araw na hindi tayo nagkasama Alexa. I love you too mahal ko." usal niya. Sobrang miss na niya ang nobya, kung kaya nga la

