KINAUMAGAHAN maagang nagising si Blue. May meeting siyang pupuntahan kung kaya't maaga siyang gagayak. Nagtungo muna siya sa kusina para magkape at magising na rin ang kaluluwang natutulog dahil inabot sila inabot sila ni Alexa nang alas dos nang madaling araw sa pag-uusap sa cellphone. At kung puwede nga lang magdamag ay gagawin niya ngunit kailangan niyang mag paalam para magpahinga at gumising nang maaga. Mabigat na naupo siya sa upuan kaharap ang lamesa. Ibinaba niya ang itinimplang kape. Tahimik na hinawakan niya ang kutsarita at hinalo iyon. Kung tutuusin puwede siyang magkape sa labas ngunit mas gusto niyang siya ang magsisilbi sa sarili idagdag pa'ng tinatamad siyang magdrive papunta sa coffee shop na pag aari nila. Mas gusto niyang direstyo na ang sasakyan niya sa pupuntahan. Ki

