LUMABAS NG KUWARTO si Alexa dahil tinawag siya ng kaniyang ina dahil nasa sala si Lheron. Nagtatakang wala naman itong text sa kaniya para sabihing dadalaw ito ngayong gabi sa bahay nila. Nagpalit siya ng kasuotan dahil naka sando at short lamang siya ng maiksi. Kahit na ba matalik din niya itong kaibigan, sinusunod pa rin niya ang utos ni Blue sa kaniya. Mabilis itong tumayo sa sopa na kinauupuan nito nang makita siya. "Magandang gabi Alexa. Pasensya na sa storbo." mabilis na ulas nito nang makalapit siya rito. Inalok niya itong maupo ulit. Matagal tagal na rin silang hindi nagkikita nito simula nang may namagitang away rito at kay Blue. Sabay silang naupo nito sa upuan. Sandali lang inabot nito sa kaniya ang dalang isang basket na gulay. Umani daw ang mga magulang nito kaya naisip

