"BLUE...?" SAMBIT PA Ni Greg sa kaibigang nakatalikod na nakahubad habang nasa harapan nito si Carey. "Greg." gulat na sagot ni Blue kasabay sa pag-alis sa harapan ni Carey dahil eksaktong pagdating nito, naisuot na niya ang kaniyang damit sa dating nobya. "Bakit nakahubad ka? Bakit suot ni Carey ang damit mo?" makahulugang tanong nito sa kaniya ang mga mata'y 'di mapuknat sa pagtitig sa kanilang dalawa. Napasuyod na lamang ng buhok si Blue habang walang kibo naman si Carey. Mamaya't walang salitang tumalikod ito sa dalawang binatang na nag-uusap ang mga mata. Mabigat na naglakad si Blue papunta sa sopa, sumunod naman si Greg na ang mukha'y hindi nagbabago. Naandoon pa rin ang malaking pagtataka sa pagmumukha. Naupo siya sa sopa maging ito'y ginawa din. "Huwag mo'ng sabihin nagpakata

