LUMIPAS ANG ILANG araw na masugat si Blue sa basag na kopita, iyon din ang araw na tila ba biglang bumalik na naman ang pagka masungit nito. Lagi na lang itong nakabusangot sa kaniya at minsan naman tila ba nagawa siyang mali kahit wala naman. Ganoon na rin ang ilang araw na pamamalagi nila sa bagong bahay nito. Hindi na iyon condo dahil may sariling gate na sila at may halaman sa labas bahay. Mas lalo siyang nalibang sa araw-araw na kasama ito. Muli, naisip niyang takutin ito tulad ng ginawa niya dito nuong nasugatan ito. Sinungitan na naman kase siya nito dahil sa nagtagal siya sa kusina habang kausap niya si Greg. At nang makaalis ang kaibigan nito ginawa niya ang plano sa ganoon makaganti siya sa binata. Kailangan nito ng parusa sa ganoon tuluyang bumait ito sa kaniya. Tuwang-tuwang