"ANG TINDE MO!" Padaskol na inabot ni Blue ang pintuan ng kaniyang kotse ng masabi nito iyon. Nagawa na rin ni Alexa'ng umupo sa katabing kinauupuan ng binata. "Ginawan mo 'ko nang malaking problema sa buhay ko!" dagdag pa niya sa babaeng tahimik na nakaupo sa katabi niya. Nagawa na niyang paandarin ang makina Ng sasakyan. "Huwag ka na po'ng magalit, nakikiusap ako saiyo hindi ko ginusto ang lahat." maamong tupa na tugon nito sa kaniya. Kanina lang tila isa itong tigre at isa naman siyang mahinang hayop na walang magagawa sa nais nito. "Huwag magalit? Hindi ginusto! f**k! Alam mo ba pinagsasabi mo kanina?" walang lingon na sagot niya. Hindi maipinta ang pagmumukha niya sa galit sa babae. "Hindi ko naman iyon ginusto. May problema lang a—." "At huwag ako!" bulyaw na agaw niya sa sas