PAGAKATAPOS ITURO ni Blue kung saan puwedeng matulog si Alexa, agaran din nitong iniwanan ang dalaga. Mabigat katawang ibinagaak niya ang katawan sa kaniyang kama habang kapit ang cellphone na nagri-ring. "Hello." sagot ni Greg sa kabilang linya. "Greg, kailangan daw ng trabaho ng baliw na 'to. Baka may alam ka para bukas lumayas na ito sa bahay ko " Bungad na bigkas niya sa kaibigan. "Wala naman ako alam. Hindi ba't need mo ng maid, kase nga walang mag aasikaso ng pagkain mo? Ayan na 'yon." "Ngayon?" kunot nuong tugon niya. Agaran din niyang naintindihan ang sinabi ni Greg. "E, 'di tanggapin mo." "Ayoko!" Mabilis na tanggi niya, "Alam mo bang may pagka baliw itong babae na ito! Mababaliw ako pagkasama ko 'to." "Baliw o baka magustuhan mo?" Diretsyang sagot ni Greg. "Baliw ka