NAPAHAWAK SI BLUE SA kaniyang sentido habang nakaupo siya sa kaniyang desc. Daig pa niya ang nakipag laban sa taong may armas dahil sa pakikipag palitan niya nang salita kay Alexa. Iyon na nga ba ang kinatatakot niya pag nasa bahay na niya ito. Una pa lang malaking sakit na niya ito ng ulo pero hinayaan pa rin niyang tanggapin sa loob ng bahay niya. Natuon ang kaniyang mata sa teleponong nakalapag sa kaniyang harapan. Inabot niya iyon saka dumayal. "Kumusta?" ani Greg sa telepono. "Baka may alam kang kailangan ng katulong?" ulit niyang tanong sa kaibigan, "Nanakit ang ulo ko sa babae'ng iyon Greg! Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo inudyok, e, 'di sana hindi nanakit ang ulo ko!" "Bakit? Isusurender muna ba ang katulong mo?" Natatawa nitong tanong sa kabilang linya. "Oo! Dahil hindi ko k