HINDI NA MAPAKALI ang katawan ni Alexa dahil matapos nilang kumain ni Blue sa loob ng kuwarto hinayaan pa naman niya ang sariling maupo sa harapan nito at ng lamesa. Halos mag-iisang oras yata siyang nakaharap sa lamesa at kada subo ng pagkain umaabot iyon ng sampong minuto kakanguya niya. Simula ng maupo siya doon, inumpisahan na rin siyang ragasain ng malakas na kaba, pangangatog ng tuhod, para ba'ng hindi rin niya nalalasan ang mga iba't ibang putahe na nakaharap sa kanila. Lalo pa'ng nanginig ang palad niya ng makita ang kinse pirasong balot na ngayon ay limang piraso na lang ang natira dahil iyon ang sinabakan nitong kainin kesa sa mga ulam na nakahanda. Tila ba may pahiwatig iyon na dapat talaga niyang kayanin ang gagabarasong meron ito pero sa nakikita niya, mas malaki pa iyon s

