DAHANG INILALAYAN ni Blue si Alexa pababa ng helicopter na nagdala sa kanila sa Island River Resort na inakupa nito para sa honeymoon nila. Habang mahigpit na hawak ni Blue ang palad niya ay siya naman umiikot ang kaniyang mga mata sa paligid. Medyo malaki ang kalupaan na binabaan ng helicopter ngunit ang kapaligiran ay may isang maliit na bahay na hindi nalalayo sa paningin niya at iilang puno ang napansin niya kung bibilangin ay hindi aabot sa sampo. Napansin din niya ang mapinong white sand sa isla. At nang makaibis sila tumayo muna siya ilang pulgada ang layo ng helicopter habang si Blue naman ay nagawa na nitong makipag usap sa pilotong nagdala sa kanila sa island. Lumipas ang ilang minuto nakita niyang tinapik ng piloto ang balikat ng kaniyang asawa at saka sumakay ulit sa helicopter

