PAGKATAPOS SUBUAN ni Blue si Alexa, sandaling nginuya niya iyon ngunit hindi naman niya nalalasahan ang pagkain dahil sa unti-unting namumuong init. Tumayo na lang siya ngunit mabilis siyang pinigilan ni Blue sa pulsuhan gamit ang kaliwang palad nito. "Saan ka pupunta?" seryoso ang mukha nito matapos magtanong. "K-kukuha ako ng tubig, bigla kase ako'ng nauhaw." aniyang pagsisinungaling kahit na ba hindi nauuhaw. Iniinit lang siya sa mainit na balat nito na dumampi sa dila niya. Ito naman ang tumayo sa harapan niya at nagsalita. "Please sit down, ako na ang kukuha." prisinta nito. Tumango siya at naupo muli. Sinundan naman niya ito ng tingin, nag diretsyo muna ito sa lababo at naghugas ng kamay bago buksan ang refrigerator. Segundo lang pagbalik nito dala na nito ang isang malaking

