PAGMULAT NG mga mata ni Alexa balot na ng kaunting liwanag ang kapaligiran at malakas na hangin na pumapasok sa loob ng bintana na may halong pag kulog at kidlat. Para ba'ng sumasabay ang panahon sa pagitan nilang dalwa ni Blue. Biglang sumagi sa isipan niya ang katanungan nito. Humugot na lang suya ng mahabang paghinga. Sandali lang, nagbaba siya ng paningin sa upuan kung saan nakaupo si Blue kagabi. Nakabalatay pa rin sa isipan niya kung ano ikinamamaktol nito. Hindi maitatangging nagseselos ito kay Hanz. Hayun na naman ang awa at may kaunting inis siyang naramdaman para rito. Una ang pagsisinungaling nito dahil sa pagmamahal sa kaniya, pangalawa awa dahil sa matinding selos ay nagawa nitong maglasing. Bigla niyang na miss ang asawa, may kaunting kilig din na biglang bumalot s akaniya d

