PAGKARATING NILA ALEXA AT BLUE sa bahay, tahimik na naunang pumasok si Alexa sa loob. Dumiretso siya sa sopa at saka naupo. Hapong-hapo siya sa tagal ng byahe dahil tila ba inabot sila ng apat na oras dahil sa sobrang pagkatraffic. Nilibot niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng sala. Walang pagbabago dahil ganu'n pa rin ang itsura ng pamamahay nito. Buhay na buhay pa rin ang mga magagandang ala-ala nila nito at malabong makalimutan niya iyon. Ngayon, nakaupo siya bilang may bahay na ni Blue. Sa sobrang bilis lahat ng pangyayare. . . Paano niya maipapaliwanag ang lahat kay Hanz? Wala siyang maireply sa chat nito at hindi din niya masagot ang voice call nito. Wala pa rin siyang kakayahan na magpaliwanag para sa binata. Wala din alam si Blue tungkol sa ka chat mate niyang si Hanz. Isi

