HINDI MAPIGILANG MAPANGITI NI BLUE habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Hanggang ngayon naaaninag pa rin niya ang maamong mukha ng asawa kung paano siya initin sa maagang umaga. Walang nagawang pumayag ito sa kagustuhan niya ngunit tila ba batang hinarangan nito ng ilang unan ang pagitan nilang dalawa sa pagtulog. Habang mahimbing itong natutulog hindi mapigilang pagmasdan niya ang mukha nito at bumaba sa labing medyo nakauwang. Umangat ang palad niya para haplusin ang pisngi nito at hawiin ang ilang hibla ng buhok ngunit mabilis din niyang binawi dahil ayaw niyang magising ito at pagmulan ng inis nang umaga ay siya. Kahit nangangati ang palad hinayaan na lang niyang lakbayin ng kaniyang mga mata ang kabilugan ng mukha nito. Sandali lang at napabaling ang mga mata niya sa kaniyang

