MATAPOS TIMPLAHIN NI Alexa ang kape, dahan siyang naupo sa harapan ng mesa. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya at mabuti na lang may kapeng naka stock. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kusina, walang nabago doon at ganoon pa rin iyon simula ng huli niyang makita. Akmang aabutin niya ang tasa doon niya napansin ang isang maliit na papel na nakapatong sa kaniyang harapan. Bakit hindi niya iyon napansin kanina? Inabot niya iyon at binasa. Sweet hearts, Good Morning! Please eat you're breakfast. Take care always! Forever husband. Hindi mapigilang mapangiti siya matapos mabasa. Ang umagang iyon ay agarang binalot siya ng simpleng kilig sa katawan dahil sa pagtawag nito sa kaniya at sa huling nakasulat. Minuto lang may nag doorbell kaya tumayo siya. Isang delivery man na may hawak na isan

