KINAUMAGAHAN. "ALEXA, nakagayak ka na ba?" Tawag niya sa dalaga na may halong pagkatok sa pintuan. "Oo, sandali lang." Mabilis naman niyang sagot sa binata. "Kung tapos ka na nasa sala lang ako." Pagkasabi niya no'n tumalikod na siya. Nagtungo siya ng sala para doon maghintay. Naupo siya doon matapos niyang abutin ang dyaryo. Nagbasa muna siya. Segundo pa lamang nang makarinig siya ng yabag papalapit sa kaniya. "Tara na, sir!" aniya sa binatang nakaupo sa sala na may hawak na dyaryo at nakatabing sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata ni Blue sa nakita. "Bakit ganiyan ang itsura mo?!" Saka pinasadahan nang tingin ang dalagang nasa harapan niya. Nakasuot ito ng t-shirt na ibinigay niya rito kahapon. At dahil hanggang hita lang nito ang t-shirt niya, hindi niya malaman kung bistida ba it