"BAKIT MO hinahanap 'yong tao? Hindi ko alam kung nasaan si Alexa." nasa boses pa rin ni Greg ang kalamigan kay Blue. Humugot si Blue nang mahabang paghinga. Hindi niya alam kung paano makukumbinsi ang kaibigan, paano mag-uumpisang magkwento sa rito. "Sobrang bobo ko Greg." madiin na bigkas niya. Nakalakop din sa boses niya ang panghihina. "Natauhan ka na?!" asik nitong sagot. "Salamat dahil naandyan ka." nanginginig laman na bigkas niya. "Don't thank me Asul, kay Alexa ka magpasalamat." Napapikit siya ng mariin ng marinig niya ang kasagutan ni Greg. Para ba'ng pinipilit ang puso niya sa mga sandaling iyon. "Patawarin mo 'ko. Halos hindi ko nakilala ang sarili ko." pagka bigkas niya no'n humigit muli siya ng mahabang paghinga sa ganoon may lakas pa siyang magpatuloy na magsalita u

