HINDI MAHULAAN NI BLUE ang malalim na pagtitig sa kanya ni Greg, ngunit hindi maitatangging mapagtanong ang mga mata nitong halos hindi kumukurap sa pagtitig sa kaniya. "Kailan ang alis mo?" bukambibig nitong tanong ng makahugot ng sagot. Iniliko niya ang manibela, pero nasa pag-iisip pa rin siya. Hindi na niya patatagalin ang lahat. "Mamayang madaling araw. Gusto ko'ng personal na magpasalamat kay Alexa." Naramdaman niyang umayos ng pag-upo si Greg, tila ba may pinipigil na gustong itanong sa kaniya at nahuhulaan niya iyon. Inunahan na niya ito. "Don't worry, wala ako'ng balak guluhin si Alexa sa probinsya," dagdag pa niya, "Wala din akong balak ipanakip butas siya dahil ba sa nasaktan ako ulit kay Carey. Sa loob ng puso ko, para ba'ng ganoon ko na kadali nakalimutan si Carey. Bigl

