NAIINIS NA SINISIPAT NI BLUE ang sakay ng single na motor kung nasaan na. Para itong helicopter sa sobrang bilis na kulang na lamang ay paliparin nito ang sinasakyan kung kaya't hindi niya makita. Nagprisinta siyang isasakay niya ito sa kotse niya, ngunit mas gusto nito kay Greg. At nang tumanggi ang kaibigan niya, nagpasya na lamang itong sumakay na lang sa single na motor na pagmamay-ari daw nito. "Aleeeexxxxaaaa!" hiyaw ni Lhira sa kaibigan. At dahil busy si Alexa sa kanilang likuran bahay hindi nito nadinig ang tawag ng bakla. Kailangan niyang tapusin ang tinatanim na talbos kamote, mabilis iyon mabubuhay lalo na at tag-ulan. "Baaklaaaa!" muling hiyaw nito. At hindi na nagpatumpik tumpik ay walang katok na pumasok ito sa bahay nila Alexa. Dinaan lang nito ang ilang hakbang ang l

