"LHIRA BAKIT dinakma mo ang harapan ko?!" na lalaking matang sambit ni Greg habang tutop ng dalawang palad nito ang pang ibabang harapan. Nakatayo sina Alexa at Blue malapit sa pintuan, habang si Greg at Lhira na magkatabi din na nakatayo sa gilid nila at gulat silang dalawa ni Blue na bigla na lang dumapo ang palad ni Lhira sa pang ibaba ni Greg. Walang umulas sa labi niya kundi pangangati ng ulo. Kinamot na lamang niya iyon na tila ba may kuto kahit wala naman. "Dyosme! May dumapo!" pangangatwiran ng bakla. "Anong dumapo?" mabilis na sagot ni Greg. Sa takot na gawin ulit ni Lhira, humakbang ito palayo sa bakla. "Ikaw naman, hindi ko naman nahawakan at patay! Tuluyan ko'ng dakmain iyan makita mo." "Bakla!" bawal niya sa kaibigan at pansin niyang pinipigil ni Blue ang pagngiti. "Pa

