Chapter 30: Kinausap ko si Shanine, nakikipaghiwalay ako sa kanya kahit na ang sabi ni Pinky ay panagutan ko ang bata at si Shanine ang piliin ko. Pero hindi ko kaya. Papanagutan ko ang bata pero hindi ko pakakasalan si Shanine para lang sa anak ko. "Hindi pwede! Paano ang bata?" Umiiyak si Shanine habang ako ay nakayuko lang. "Dahil ba 'to kay Pinky?" Tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mga mata. "Akala ko ba hindi mo na itinuloy ang panliligaw sa kanya?" Hindi ko alam kung paano ko iiwasan ang mga tingin niya, nasasaktan siya. Nakikita ko kung gaano kasakit para sa kanya ang lahat ng sinasabi ko. "Mahal ko si Pinky, Shanine. Please, pananagutan ko pa rin ang bata." "Pero mawawalan siya ng pamilya! Masisira ang magiging pamilya niya dahil sa babaeng mahal mo! Mahirap ba