Chapter 31: Napahinto si mommy sa pagbukas ng maleta niya at naniningkit ang mga mata nang makita niya kami ni Calvin na sabay na pumasok sa kwarto ng resthouse. Napasulyap ako sa sofa at nakita ko roon si Karlo na nakaupo hawak ang cellphone ngunit sa amin nakatingin ng masama. "Ano? Ayos na ulit kayong dalawa? Para kayong mga tanga!" Medyo iritadong bulyaw ni Mommy sa amin. Itinuon niya ulit ang pansin sa maleta niya at may kinuhang kung ano bago naglakad palabas ng kwarto. Naupo ako sa aking kama at tumabi naman si Calvin sa'kin. "Sasabay ka ba sa amin pauwi?" Tanong ko kay Calvin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan iyon 'tsaka nag-angat ng tingin sa akin. Iyong kulay abong mga mata n'ya... "Hindi, magkita na lang tayo sa Brilliantes mamaya." Tipid syang ngumiti.