Chapter 46: "Mommy, saan tayo punta?" Ngayon ang araw ng flight ni Karlo. Hawak ko ang kamay ng aking anak habang naglalakad papasok ng elevator. Hindi ko alam kung anong oras ang flight nya. Tinatawagan ko sya pero nakapatay ang phone nya. Desidido na nga siguro syang kalimutan ako. Alas otso pa lang ng umaga kaya nagbakasakali akong nasa condo pa sya. Pagkarating sa unit ay agad kong ipinasok ang susi sa seradura ng pinto. Binuksan ko ang pinto at sumilip ako sa loob. Malinis, walang Karlo akong nakita. Ibinuka ko pa ang pinto at tuluyang binuksan iyon. Ang aga naman n'yang umalis... "Mommy, papa saan?" Nilingon ko ang magtatatlong taong gulang kong anak. "Umalis na si Papa." Nakalock ang mga pinto ng kwarto pwera lang sa kwartong tinutuluyan ko dito. Pumasok ako at halos mapalu