Chapter 47: Masarap ang tulog ni Ivan habang nasa iisang kwato kaming tatlo. Pinagitnaan namin ni Calvin si Ivan sa kama. "This is my dream." Ibinaling ko ang tingin ko kay Calvin. Hindi sya nakatingin sa akin dahil abala s'yang hinahaplos ang kulot at itim na itim na buhok ni Ivan. "Tell me about him." Inangat nya ang tingin nya sa akin kahit patuloy pa rin sya sa paghaplos sa buhok ni Ivan. "Saan mo gustong simulan?" Itinigil nya ang paghaplos sa buhok ni Ivan at humiga ng maayos sa kama. Inilagay niya ang dalawang braso sa likod ng kanyang ulo at nagsilbing unan. "Simulan mo sa mga naging cravings mo nung nagbuntis ka sa kanya." Bumangon ako at umupo sa kama para matingnan sya ng maayos. "Hindi ako nagcrave sa loob ng tatlong buwan, pero nasusuka ako tuwing umaga at palagi ako