Pagpasok namin sa silid na dati ko nang ginagamit ay agad lumuhod sa harap ko si Star. Luhaan na agad ito hindi pa man ako nagsasalita. Ngumiti ako, kalmado lang habang pinagmamasdan ito. "Patawarin mo ako, Ate. Hindi ko nagawa 'yong pakiusap mo sa akin no'n. Agad na bumalik si Ma'am Audrey rito tapos pinahalughog n'ya ang kwarto mo. Kinuha rin n'ya 'yong laptop ko pati flashdrive ko. Wala akong nagawa, Ate." "It's okay." Mahinahong ani ko rito."But what happened, Star, pagkatapos kong mahulog sa yate?" "Ipinahanap ka po ni Sir Dane. Halos hindi s'ya tumigil no'n. Saka lang huminto noong nanganak na si Ma'am Audrey kasi nagbanta si Ma'am na ilalayo si Baby Blue kung hindi s'ya pakakasalan. Huwag ka pong maniniwala sa kanila tungkol sa business, sirang-sira na po ang mga negosyo niny