"Sa sobrang bobo mo pati nag-alaga sa 'yo at nagmahal sa 'yo ay kinanti mo. Audrey, dapat ka ngang magpasalamat na binihisan at minahal ka namin eh. Kaso ito pa ang isinukli mo." Hinaplos ko ang pisngi n'ya nang malayang palad ko."Gusto mo pa rin si Dane? Go on, ariin mo pa rin s'yang sa 'yo. I really don't care na, nandito lang naman ako para gawing impyerno ang buhay ninyong dalawa." Ang marahang haplos ko sa pisngi nito ay naging tapik, hanggang sa limang ulit ko na pala itong nasampal nang malakas. Hindi s'ya lumaban na malawak kong ikinangisi. "Good girl, be good to me. Hindi ako bumalik para lang kawawain ulit ang sarili ko. Bumalik ako para iparanas sa inyo ang tunay na impyerno." "H-anda akong gawin ang lahat. Huwag mo lang sabihin sa kanya ang nalaman mo." Nagkibitbalikat lang