"Kaya nating ihanda ang 100 million na kailangan nila. Lahat ng jewelries ko willing akong ibenta, 'yong mga sasakyan at bahay na ito. Pwede rin nating i-dispose ang bahay nila Mommy." Agad na umangat ang kilay ko. "That's mine. Hindi n'yo iyon gagalawin." Singit ko sa usapan nila. "Pero Lorielle, kailangan namin iyon para kay Baby Blue." "Wala kayong gagalawin sa mga natitirang properties na nakapangalan sa akin. Ibenta n'yo 'yong sa inyo, pero hindi 'yong akin." Sagot ko saka tumayo na at iniwan ang mga ito. Wala naman talagang baby na ibabalik. Gumuhit ang ngisi sa labi ko. Mabaliw man sila, maghirap at mamulubi man sila, wala akong pakialam. Pinanood ko kung paano sila magkumahog na lipunin ang lahat ng natitira nilang assets. Lahat ng pwedeng ibenta ay dinispose na nila. Pa