"Dustein Danielle?" ani ni Knoxx na gulat sa biglang pagsulpot ko sa gilid ng sasakyan nito. "Nagkita na naman tayo." Magiliw na ani ko rito."What is your name nga?" "Knoxx. Are you sure na hindi Lorielle ang pangalan mo?" pabirong inirapan ko ito. "I'm so tired na marinig ang pangalan na 'yan. Grabe, gano'n ba talaga kami magkamukha ng Lorielle na 'yon para pagkamalan n'yo kami na iisa?" natatawang ani ko rito."Pwede bang itigil n'yo na? Naiinis na ako, baka kapag tuluyan akong nainis isumbong ko na kayo sa asawa ko." Napanguso pa saka waring nagpapa-cute na ipinatong ang baba sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Huling-huli ang pagsunod nang tingin ng lalaki sa labi kong nanunulis. "S-orry." Nag-iwas ito nang tingin saka humugot nang malalim na buntonghininga. "Naiilang ka ba