"Kaya pala gusto n'yong makuha," nakangising ani ko habang nakatitig sa painting na ngayon ay iniaayos para masimulan na ang bidding. Napakaganda ng painting, agad na naagaw no'n ang atensyon ko. "500k!" taas nang unang bidder. Hindi man lang marunong kumalma ang isang ito. "1 million." Sinulyapan ko ang pwesto nina Audrey. Si Dane ang nagsabi ng isang milyon. Pumalag pa ang iba hanggang umabot ng 3 million. Alam kong nakikiramdam lang si Elordi. Tumataas na ang bid pero hindi pa rin ito nagbi-bid. "I'll go for 5 million." Sinulyapan ko ito na akmang magtataas na ng number n'ya. Pero inagapan ko iyon. "10 million." Napasinghap ang mga tao sa sinabi ko. Pero dahil hindi naman basta-basta ang mga kalaban ay tumaas pa iyon hanggang 20 million. "30 million." This time si Elordi na